Wednesday, May 22, 2013

Lipunan Kong Asam

Lipunan Kong Asam

Minsan, ang buhay sa ating mundo
Puno ng pagdurusa
Lahat ng ating nakikita
Sa lipunan at buong bansa
Problema'y isang laksa.

Kapag ang ating paaralan
Katuwang, pamilyang mahal
Midya, mayroon ding maggawa
Ng ating pagkakamit
Lipunang may pag-unlad

Ang lahat ng ating asam, 
Ang buhay...kasaganaan.
Makataong...lipuna'y makakamit lang
Kung may...may pagsasamahan.
Sana'y...may pagbabalikatan!..

Upang tunay na makamtan...
Upang makataong lipunan...
ay...makamtan ng lubusan.


   Ang komposisyong ito ay aking nilikha may mga pitong taon na marahil ang nakalipas. Ito ay maaaring awitin sa tono ng awiting 'Ikaw' na inawit ni Regine Velasquez. Sinuwerteng nanalo ng ikalawang pwesto sa ginanap na patimpalak ng isahang pag-awit sa pagdiriwang ng Filipino Values Month Celebration- Division Level  noong Nobyembre 2005.