"Ang tulang ito ay aking handog sa mga katulad kong mapagmahal sa mga orkidyas, bagama't hindi dito umiikot ang kabuuan ng aking mga interes sa buhay...masasabing sa bawat tingin ko nang mga ito ay nagkakaroon ng kahulugan ang bawat galaw ng mga nilikha sa aking paligid.. nakakapagbigay ako ng kahulugan, pagmumuni at repleksyon sa bawat aking makita. Hindi ko alam kung parehas tayo ng pakahulugan, ngunit nakaka-inspire ang bawat kulay ng bawat petal ng isang orkidyas. Naisip ko tuloy ang isang kaibigan...at manghang naihalintulad dito. Kunsabagay, walang perpekto sa mundo. Lahat ay may kapintasan, lahat ay may pagkukulang, lahat ay hindi nabiyayaan ng lahat lahat! Marahil, walang pinakamabuti kundi ang pahalagahan ang bawat katangian nating taglay. Magpasalamat sa biyayang ipinagkaloob sa atin, gaano man ito kapayak. Hindi rin tumpak ang ikumpara ang isang bagay sa katangiang taglay ng iba pa, lalo na ang sariling kapintasan sa katangian ng iba." |