Friday, November 30, 2012

Homework


Salamat po. Thank you. Agyamanak.


SSC
          Gumawa ng isang talata na naglalaman ng mga panalangin sa Diyos at nakatuon sa pagpapasalamat sa lahat ng biyayang natanggap, materyal man o di-materyal. Ito ay maaaring naglalaman din ng mga pangakong patuloy na ipagpapasalamat ang lahat ng kabutihang natanggap sa bawat araw.

Good luck.

28 comments:

  1. Dear God,
    Kulang ang mga salita upang maipaabot ang aking pasasalamat sa lahat ng biyayang aking natatanggap sa araw-araw. Salamat din sa walang sawa mong pagkalinga sa akin at nang aking pamilya sa bawat sandali.Ako'y nangangakong tutupdin ang iyong mga tagubilin at magpapasalamat sa maliit o malaki mang biyayang aking matatanggap sa aking kapwa.
    Love,
    Merle

    ReplyDelete
  2. ama,narito po ako upang magpasalamat sa iyo dahil napakabait mo sa amin kahit na napakarami na naming kasalanan sayo.ama nagpapasalamat rin po ako dahil bingyan mo ako ng pamilyang mapagmahal at napakabait na magulang,marami rin pong salamat sa lahat ng biyayang binigay mo sa akin at sa aking pamilya. ama,maraming salamat po tlaga sa lahat lahat . hanggang dito na lamang po ama, sa ngalan ng panginoong hesu cristo, amen

    by: marilyn c.

    ReplyDelete
  3. Dakila ka o aming Diyos na makapangyarihan sa lahat. Ikaw ang aming Diyos na mapagmahal sa sanlibutan.
    Patawarin mo po ako sa aking mga kasalanan sinadya ko man o hindi Panginoon.
    Ako po'y lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga biyaya na ipinagkakaloob mo po sa akin lalong lalo na po ang aking kalusugan.Salamat din po sa patuloy mong paggabay sa aking pagaaral, ikaw ang nagbibigay lakas sa araw araw. Salamat din po sa tagumpay na aking nakamit sa nakaraang patimpalak ako po'y lubos na nagagalak. Maraming maraming salamat po Panginoon sa lahat ng biyayang ipinagkaloob at ipagkakaloob mo pa sa akin gagawin kitang inspirasyon ko upang makamit ang mga mithiin ko sa aking buhay dahil walang imposible sa iyo Panginoon basta lahat ng gagawin ko'y ipagkakatiwala ko sa iyo.
    Salamat po Panginoon sa iyong pakikinig sa aking dalangin. Ito po ang aking pagsamu't dalangin sa pangalan ni Hesus. Amen

    by: Clarette A. S.

    ReplyDelete
  4. Panginoon, Diyos na makapangyarihan. Sana po ay kami'y iyong mapatawad sa aming mga sala. Maraming salamat po sa mga biyayang ibinibigay niyo sa pang araw-araw, sa lakas at talinong inyong ipinagkaloob upang malampasan namin ang mga problema o mga pagsubok na aming kinakaharap, salamat po sa inyong gabay at hindi niyo po kami pinapabayaan sa kapahamakan o sa tukso. ipinapangako po namin na gagawin po namin ang lahat upang maging mabuti sa lahat ng oras, ngunit hinihingi po namin ang inyong gabay upang magawa ito, kayo po ang aming inspirasyon sa lahat ng aming gawain sa inyo po namin ipinagkakatiwala ang lahat ng amintg ginagawa Panginoon. Sana po'y inyong pakinggan ang aming dalangin, sa ngalan ni Jesus. Amen

    by: Arianne Joy S.

    ReplyDelete
  5. Diyos na makapangyarihan maraming salamat po sa mga binibigay mo na pagkain sa amin araw araw,lakas at talino. Patawarin niyo po kami sa aming mga kasalanan, Ilayo niyo din po kami sa masama. Gabayan niyo po kaming lahat oras oras. Maraming salamat po sa lahat.
    Sana po inyong pakinggan ang aming dalangin sa matamis na pangalan ni Jesus. Amen.
    .
    .
    by: Charmene R.

    ReplyDelete
  6. Panginoon, aming Diyos na pinakamakapangyarihan sa lahat. Sana po mapatawad Niyo kami sa lahat ng mga kasalanan na aming nagawa. Maraming maraming salamat po Ama sa lahat ng mga biyayang ibinibigay Niyo po sa amin sa aming pang araw-araw na pangangailangan, sa tibay, talino at lakas na ibinigay Ninyo sa amin upang lampasan ang amg pagsubok na Inyong itinadhana sa aming buhay. Salamat po Ama ng marami sa Inyong gabay at hindi Niyo kami ipinahintulot sa tukso at panganib. Ipinapangako ko po na gagawin ko lahat ng aking makakaya upang maging mabuti sa lahat ng oras o araw-araw, subalit hinihingi ko po ang Inyong patnubay at gabay upang magawa ang Inyong nais. Sana po ay pakinggan Ninyo ang aking dalangin. Ito ang aking samu't dalangin sa matamis na pangalan ni Hesus, na ating tagapagligtas. Amen


    By: Kelvin P.

    ReplyDelete
  7. Panginoon, aming Diyos na pinakamakapangyarihan sa lahat. Sana po mapatawad Niyo kami sa lahat ng mga kasalanan na aming nagawa. Maraming maraming salamat po Ama sa lahat ng mga biyayang ibinibigay Niyo po sa amin sa aming pang araw-araw na pangangailangan, sa tibay, talino at lakas na ibinigay Ninyo sa amin upang lampasan ang amg pagsubok na Inyong itinadhana sa aming buhay. Salamat po Ama ng marami sa Inyong gabay at hindi Niyo kami ipinahintulot sa tukso at panganib. Ipinapangako ko po na gagawin ko lahat ng aking makakaya upang maging mabuti sa lahat ng oras o araw-araw, subalit hinihingi ko po ang Inyong patnubay at gabay upang magawa ang Inyong nais. Sana po ay pakinggan Ninyo ang aking dalangin. Ito ang aking samu't dalangin sa matamis na pangalan ni Hesus, na ating tagapagligtas. Amen
    .
    .
    by: Kelvin P.

    ReplyDelete
  8. Aming Dakilang Panginoon, ako po ay nagpapasalamat sa inyo sa lahat po ng biyayang pinagkakaloob niyo sa akin araw-araw. Salamat po sa lakas, talino at pasensya sa bawat gawain at sa bawat desisyong aking ginagawa.Salamat po sa perang kaloob niyo na siyang pinang-gagastos namin sa araw-araw. Sa pagkain at tubig na araw-araw niyong binibigay upang kami ay patuloy na mabuhay.Salamat po sa pagmamahal niyo. Hindi niyo po kami pinapabayang dapuan ng sakit.Salamat Panginoon at nakakapag-aral pa rin po kami at ang aming mga magulang po ay mapag pasensya,hindi po nila kami pinapabayaan.Mahal na Panginoon habang buhay ko pong ipagpapasalamat ang buhay na ipinagkaloob niyo sa akin. Patawarin niyo po ako sa lahat po ng aking mga kasalanan. Patnubayan niyo po ako Panginoon sa lahat po ng mga bagay na aking gagawin. Bigyan niyo po ako ng talino,lakas at sipag upang makapag aral ng sa ganon po ay mabigyan ko po ng magandang buhay ang aking pamilya. Huwag po sana kayong magsawang patnubayan ako. Ito po ang aking samo at dalangin sa matamis na pangalan ni Hesus.Amen
    -
    -
    -
    -Rhain S.

    ReplyDelete
  9. Panginoon, nandito po ako upang magpasalamat po ng taos puso sa inyo dahil palagi niyo po kaming ginagabayan. Panginoon, salamat din po sa mga biyayang binibigay niyo po sa amin. Panginoon, sana po ay patuloy niyo po kaming gabayan at bigyan niyo rin po sana kami ng lakas para po makagawa po kami ng maayos at mabuti, hindi lang po sa aming sarili kundi sa lahat ng tao din. Panginoon, salamat din po kasi nandiyan po kau palagi para gabayan din po ang aming mga magulang. Sana po ay tulungan niyo rin po kami sa anuman pong pagsubok na aming haharapin sa buhay. Panginoon, salamat din po kasi nandiyan kau palagi para bantayan ako kahit po ang dami-dami ko pong kasalanang nagawa sa inyo. Panginoon, patawarin niyo na po sana kami sa aming mga kasalanan gayundin po sa mga nagkasala sa amin.Panginoon, huwag niyo po kaming pababayaan ganun din po ang aming mga magulang at ilayo niyo po kami sa kapahamakan. Panginoon, maraming-maraming salamat po sa lahat. Amen

    by: Jennifer

    ReplyDelete
  10. God, I just want to say thank you, thank you for giving me a loving, caring and supporting parents. Thank you for all the blessings that You’ve given to me specially my friends and families. Lord, I am thankful for nights that turned into mornings, friends that turn into family, dreams that turned into reality and likes that turn into love.

    -Jessa G.

    ReplyDelete
  11. God, I just want to say thank you, thank you for giving me a loving, caring and supporting parents. Thank you for all the blessings that You’ve given to me specially my friends and families. Lord, I am thankful for nights that turned into mornings, friends that turn into family, dreams that turned into reality and likes that turn into love. Amen

    -Jessa G.

    ReplyDelete
  12. Mahal na Panginoong makapangyarihan sa lahat,lubos po akong nagpupuri at nagpapasalamat sa lahat ng mga biyayang ipinagkakaloob mo po sa amin sa araw-araw.Sa mga pangangailangang napupunan at naipagkakaloob mo sa akin at sa aking pamilya. Sa pagbibigay sa akin ng mabubuti at mapagmahal na magulang.Maraming salamat po.Sa kalakasang nagagamit namin sa araw-araw naming pamumuhay.Sa katalinuhan at kaligtasang ibinibigay ninyo ng walang pag-aalinlangan at sa masaganang pamumuhay na aming natatamasa ngayon.Maraming maraming salamat po.Sa ngalan ng Dakilang lumikha. Amen

    --Charity G.

    ReplyDelete
  13. Mahal na Panginoon, maraming salamat po sa lahat ng mga biyayang walang sawang ibinibigay ninyo sa akin. Pipilitin ko pong gamitin ang mga biyayang natatanggap ko upang makatulong din po sa ibang kapwa ko nilalang na nangangailangan.Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagbibigay ng pagkakataon upang malaman ko ang dahilan ng aking pag-iral. Ibinabalik ko po ang karangalan sa inyo sa aking pagkakalikha.Maraming salamat po sa pagkakaroon ng masayang pamilya, mga mapagkakatiwalaang kaibigan at mga kakilala. Sila po ang dahilan ng aking kasiyahan. Sila po ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang mabuhay at maging masaya sa araw-araw.Maraming salamat po sa patnubay na inyong ibinibigay sa aming lahat upang magampanan namin ang mga responsibilidad at tungkuling nakaatang sa aming balikat.Maraming salamat din pos a kalakasan, katalinuhan at kapasyahan. Ito po ang ginagamit namin sa pagsugba sa mga alon at pagsubok ng buhay.Maraming salamat din po sa inyong bugtong na anak na siyang tumubos ng aming kasalanan.

    Amen.

    ~~Hannah P.

    ReplyDelete
  14. Mahal na Panginoon, Maraming salamat po sa mga biyayang ipinagkaloob mo sa amin. Bigyan niyo po ako ng sapat na lakas at talino upang magampanan ang inyong nais. Ganun din po sa aming mga magulang na siyang gumagabay sa amin. Patawarin mo po kami sa aming mga kasalanan sinadya man o di nais. Patnubayan niyo po ako Panginoon sa mga bagay na aking gagawin. Maraming maraming salamat po. Amen.

    ~~ JASHMIN A.

    ReplyDelete
  15. Panginoon, labis po ang aking pasasalamat sa kabutihan at biyayang ipinagkaloob niyo po sa akin. Salamat sa pagbibigay sa akin ng mga mapagmahal na magulang at masasayahing mga kapatid. Batid ko po na nakakagawa po ako ng mga kasalanan sa mga di-inaasahang pagkakataon at dahil dito'y humihingi po ako ng kapatawaran sa patuloy niyo pong paggabay at pagbibigay liwanag sa aking daan, muli marami pong salamat. Lubos din ang aking kagalakan dahil patuloy niyo pong pinakikinggan ang munti ko pong mga dasal at binibigyang katuparan ang mga ito. Ang tanging hangad ko lamang po ay magkaroon ng kapayapaan sa buong mundo, pagrespeto sa bawat relihiyon at ang pagkakaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa lipunan. Mula sa aking puso, muli salamat po.

    - Cali F.

    ReplyDelete
  16. Panginoon, pinupuri at sinsamba ka namin. Nais naming humingi ng tawad sa lahat ng aming nagawang kasalanan. Kami’y nagpapasalamat rin po sa lahat ng biyayang ipinagkaloob niyo po sa amin, sa lahat po ng bagay, kayo po ang may bigay. Maliit man o malaki, materyal man o di-materyal. Sa pagbibigay po ng pagkakataong mabuhay, sa paggising ko po ngayong araw na ito, maraming salamat po. Salamat po dahil maayos po ang kalagayan naming magpapamilya, narito kami sama-sama at maligaya. Marami pong salamat sa paggabay sa akin tungo sa tamang landas. Sa patuloy pong pagbibigay ng mga biyaya sa akin po at sa aming pamilya, labis ko pong ipinagpapasalamat Panginoon. Sa mga materyal na bagay po na aking natatanggap na akin pong kakailanganin sa pang araw-araw, ang bigay na baon nina nanay at tatay, mga gamit na aking pong gagamitin sa pang araw-araw upang maging komportable, maraming salamat po, Panginoon. Napakarami pong dapat ipagpasalamat sa inyo, Panginoon. Sana po panginoon, patuloy niyo pa rin po kaming gabayan at tulungan sa araw-araw, kayo po ang manguna sa amin. Huwag niyo po kaming papabayaan, gayun rin po sa aming mga mahal sa buhay, ang aming pamilya, mga kaibigan at ibang pang mga nangangailangan ng inyong paggabay. Lahat ng ito’y aming hinihiling sa pangalan ni Hesus, Amen.

    --Angel A.

    ReplyDelete
  17. Panginoong diyos, salamat po sa laht ng biyaya
    nagpapasalamat po kami sa lahat ng iyong biyaya na ibinigay po ninyo sa amin
    naway gabayan po ninyo kami sa aming pag-aaral at
    gabayan rin po ninyo ang amin guro na syang tumutulong upang mapaunlad namin ang aming mga sarili. Maraming salamat po panginoon.

    -- christine n.


    ReplyDelete
    Replies
    1. Ama pinupuri at sinasamba ka namin. Maraming salamat po sa lahat ng mga biyayang aming natatanggap. Maraming salamat po sa paggabay , pagaalaga at patuloy na pagmamahal sa amin sa kabila ng aming mga pagkakasala. Panginoon, humihingi po ako sa inyo ng tawad dahil kung minsan ay nakagagawa kami ng mga kasalanan, sa isip, sa salita man po, o sa gawa. Ama hinihiling po namin na patuloy niyo kaming patnubayan,alagaan, mahalin, at arugain . Ito ang aming samot dalanagin sa matamis na pangalan ni Hesus . Amen

      >> glenda o. <<

      Delete
  18. Mahal naming Ama, unang una po ay amin kayong pinasasalamatan sa lahat ng magagandang biyaya na inyong ibinigay sa amin, nagpapasalamat dn po kami dahil sa inyong pag-gabay sa amin sa araw-araw , lagi niyo po kaming dinadamayan sa aming buhay sa mapait man o matamis ang aming nadadanasan. Humihingi din po ako ng tawad sa inyo Ama sa lahat ng mga kasalanang aming nagagawa,naway mapatawad niyo po ako dahil madami akong nagagawang mali , hinihiling ko po sa inyo na gabayan niyo po kami sa pang araw-araw . Patnubayan niyo po kami sa aming buhay, gabayan niyo po kami sa aming pag-aaral , alagaan niyo po ng mabuti ang aking mga kaibigan, kapamilya, lahat po ng mga mahal ko sa buhay at pati na rin po ako.Ilayo niyo po kami sa mga disgrasya at iligtas niyo po kami sa kapahamakan.Ito po ang aking dalangin , hinihingi po namin ito sa matamis na ngalan ni Hesus. Amen

    ~~>| Paula J. V. |<~~

    ReplyDelete
  19. Ama na makapangyarihan sa lahat, humihingi po ako ng tawad sa mga kasalanang nagawa ko, labis ko po itong pinagsisihan at nangangako po akong hindi na po mauulit. Nagpapasalamat po ako sa paggabay niyo sa amin araw-araw, at paglalayo niyo sa amin sa tiyak na kapahamakan. Lubos rin po akong nagpapasalamat sa mga biyayang natatamo namin. Sana po ay huwag kayong magsawa sa paggabay at pagbibigay ng biyaya sa amin. Buong puso po akong naniniwala at nanampalataya sa inyo Mahal na Poong Hesukristo, Amen.

    :Plagiarism is Prohibited:

    (c) Pia Joy V.

    ReplyDelete
  20. Panginoon na pinakamakapangyarihan sa lahet, sana po ay mapatawd mo ako sa lahat ng aking nagawa, sa isip, sa gawa at sa salita. Salamat din po sa mga araw na ibinibigay mo sa akin upang mabuhay. Lubos din po akong nagpapasalamat sa pagliligtas mo sa akin sa kapahamakan at sa patuloy na pagbibigay mo sa akin ng mga biyaya. Patuloy mo po sana akong gabayan at huwag papabayaan. Ito lang po ang aking panalangin sa matamis na pangalan ni Hesus na aming tagapagligtas, AMEN.

    ReplyDelete
  21. Panginoon na pinakamakapangyarihan sa lahet, sana po ay mapatawd mo ako sa lahat ng aking nagawa, sa isip, sa gawa at sa salita. Salamat din po sa mga araw na ibinibigay mo sa akin upang mabuhay. Lubos din po akong nagpapasalamat sa pagliligtas mo sa akin sa kapahamakan at sa patuloy na pagbibigay mo sa akin ng mga biyaya. Patuloy mo po sana akong gabayan at huwag papabayaan. Ito lang po ang aking panalangin sa matamis na pangalan ni Hesus na aming tagapagligtas, AMEN.

    @ JOHN @ REY @

    ReplyDelete
  22. Panginoon na pinakamakapangyarihan sa lahet, sana po ay mapatawd mo ako sa lahat ng aking nagawa, sa isip, sa gawa at sa salita. Salamat din po sa mga araw na ibinibigay mo sa akin upang mabuhay. Lubos din po akong nagpapasalamat sa pagliligtas mo sa akin sa kapahamakan at sa patuloy na pagbibigay mo sa akin ng mga biyaya. Patuloy mo po sana akong gabayan at huwag papabayaan. Ito lang po ang aking panalangin sa matamis na pangalan ni Hesus na aming tagapagligtas, AMEN

    @ JOHN @ REY @

    ReplyDelete
  23. Ama na makapangyarihan sa lahat, buong puso po akong nagpapasalamat sa mga biyayang ibinigay Niyo sa amin. Una po sa lahat salamat po sa aking mapagmahal at mapagsuportang pamilya at kaibigan na binigay Niyo sa amin. Patawarin Niyo po kami sa aming kasalanan. Sana ay patuloy Niyo po kaming tulungan at alagaan. Amen

    -Smith C.

    ReplyDelete
  24. Aming Ama, ako po ay humingi ng tawad sa aking mga nagawang kasalanan, sana po ay pagpasensyahan Mo po ako dahil sinuway ko po Kayo dahil na rin po sa aking kapabayaan. Maraming slamat po dahil hindi Mo po ako pinapabayaan saan man po ako mapunta, maraming salamat din po sa mga biyayang ipinagkaloob Mo po sa amin. Tulungan Mo po akong itama ang aking mga mali at ilandas Mo po ako sa tamang landas, ito lang po ang aking panalangin sa matamis na pangalan ni Hesus, Amen

    Chaster Dave G.

    ReplyDelete
  25. Ako po'y nananalangin, mahal kong Panginoon,ako po'y nagpapasalamat,dahil binigyan Niyo po kami ng buhay at lakas na aming ginagamit sa pang-araw-araw. Sana po Panginoon, gabayan Niyo po kami at ilayo Niyo po kami sa mga masasamang loob at gawain. Oh Panginoon, ako po'y humihingi ng kapatawaran sa aming mga nagawang kasalanan. Muli Panginoon maraming maraming salamat po. Amen

    -Resty C.

    ReplyDelete
  26. Ako po'y nananalangin, mahal kong Panginoon,ako po'y nagpapasalamat,dahil binigyan Niyo po kami ng buhay at lakas na aming ginagamit sa pang-araw-araw. Sana po Panginoon, gabayan Niyo po kami at ilayo Niyo po kami sa mga masasamang loob at gawain. Oh Panginoon, ako po'y humihingi ng kapatawaran sa aming mga nagawang kasalanan. Muli Panginoon maraming maraming salamat po. Amen

    -Resty C.

    ReplyDelete
  27. Ama po namin na salangit.Unang una maraming salamat po sa buhay na ipinagkaloob po niyo sa kin . Maraming salamat po sa biyaya na iyong pinagkakaloob sa amin pang araw araw . Maraming salamat po at lagi nyo po akong binabantayan at hndi mo po ako pinapabayaan naway maliwanagan po ang aking isipan naway gabayan mo po ako at ito po ay magsilbing lakas po sa akin. Ama hinihiling ko po patawarin mo po ako sa lahat po nang nagawa ko pong kasalanan po sa inyo po at sa aking kapwa. Iniiwan ko po ito sa pangalan ng inyong anak na si Hesu Kristo Amen.



    BY: _STEF_T

    ReplyDelete