May mga kakayahang kailangan sa bawat hanapbuhay na hahanapin sa sinumang gumagawa ng hanapbuhay na iyon. Gayundin, may mga pangunahing kakayahan na dapat taglayin ng isang maggagawa anuman ang hanapbuhay na kanyang papasukin. Mahalagang malaman ang mga pangunahing kakayahan at ang mga kakayahang kailangan sa isang hanapbuhay upang sa mga ito ituon ang pagsasanay at malinang nang mabuti ang mga ito.
Mga Kakayahang Kailangan sa iba't-ibang hanapbuhay:
1. Kakayahang tumukoy, mag-ayos, mag-plano at magbaha-bahagi ng oras, salapi, mga gamit at pasilidad at yamang-tao.
2. Kakayahang gumawa kasama ng iba.
3. Kakayahang kumuha, mag-ayos, magpakahulugan at gumamit ng impofrmasyon.
4.Kakayahang umunawa at mag-ayos ng sistema.
5.Kakayahang gumamit at mag-ayos ng teknolohiya.
Mga Pundasyong Katangian na kailangan sa lahat ng hanapbuhay.
1.Pangunahing kakayahan gaya ng pagbabasa, pagsusulat, pakikinig at pagsasalita
2.Kakayahang pangkaisipan gaya ng malikhaing pag-iisip, pagdedesisyon, biswalisasyon
3.Personal na katangian gaya ng responsibilidad, pagpapahalaga sa sarili, pakikitungo sa iba, integridad at katapatan.
Ang mga kakayahan at pundasyong katangian na ito ay kailangang malinang ng sinuman na naghahangad na magkaroon ng trabaho at maging matagumpay dito. Ang kaalaman na dapat pumasok sa tamang oras, na dapat magkaroon ng alternatibong plano sa mga di-inaasahang sitwasyon, kung paano pakikisamahan ang katrabaho, at kung kailan tatawagin ang superbisor, ay mga kaalamang hinihingi ng kahit anong hanapbuhay.
Pagtataya:
Pagpasyahan kung tama o mali
1. May mga partikular na kasanayan at kakayahang kailangan sa bawat propesyon._______
2.Dapat linangin ang mga kakayahang kailangan kapag nagtratrabaho na ang isang tao.________
3. Pare-pareho lang ang mga kasanayang ginagamit sa iba't-ibang propesyon._______
4. Ang mga pundasyong kasanayan ay kailangan sa lahat ng propesyon._________
5. Ang mga kakayahang kailangan sa isang trabaho aynakabatay sa gawain sa trabahong iyon.____
Reference:
Kaganapan sa Paggawa III
Twila G. Punsalan
guys ano ba ang sagot?
ReplyDelete