"Jesus is the reason of the season! Happy birthday Jesus! We love You!
Ang pagdating ng pasko ay panahon ng pagsasaya sa maraming Pilipino. Dito na sa Pilipinas ang pinakamahabang pagdiriwang, sa pakiwari ko.
Ang mga magulang ay abala sa pagbili ng mga aginaldo para sa mga anak, kamag-anak at lalo sa mga inaanak.
Magagandang damit , at siyempre ay ang di mawawalang mga pagkain para sa noche buena at bagong taon.
Pinagkakaabalahan din ang iba't-ibang palamuti sa loob ng bahay. Ang kalinisan ng tahanan ay pinananatili kaipala'y anumang oras ay may mga bisitang darating mula sa kung saan. Idagdag pa rito ang paghahanda sa mga taunang reunion ng pamilya, at mga magkakaklase noong mga nakaraan.
Kaliwa't kanan na paggastos...kung may panggastos..sabi ng iba. Sa iba naman ay sukdulang mangutang para may ipanghanda. Kaliwa't kanan din ang kontribusyon dito at doon. Mall dito... at doon. Pasyal...bakasyon. Naku...nakakapagod kung iisipin mo.
Kulang pa ang dalawang linggong bakasyon para magawa lahat ang mga gawain sa Christmas season.
Ngunit hindi ninyo ba napuna kung ano ang kulang sa itaas...sa lahat ng nabanggit ko sa itaas na pinagkakabalahan ng tao tuwing pasko...wala ang esentiya kung bakit nagdiriwang tayo.
Nakakalungkot dahil tila ilan lang ang nakakaalala sa dahilan ng ating pagdiriwang. Ang iba ay pinipiling mag-videoke na lang kaysa magsimba sa gabi. Umattend sa reunion kaysa pumunta sa simbahan. Magbigay ng regalo sa inaanak kaysa abuloy sa simbahan.
Hindi naman masama ang mag-videoke, maki-reunion, magbigay ng regalo, mamili, kumain ng masarap. Sana lang ay huwag makalimutan ang tunay na diwa ng pasko. Pagsisimba...pag-aalala sa kapanganakan ng Panginoong Hesus at pagbabahagi ng mga biyayang natanggap para sa iba.
No comments:
Post a Comment