Thursday, February 7, 2013

Homework No.2 SSC

SSC Group 2
 Ibigay ang iyong reaksyon sa sumusunod na sitwasyon.

Sitwasyon:
Isang pareha, babae at lalaki, nakaunipormeng pang-hayskul at namamasyal sa isang beach resort sa oras ng klase. Inspiradong-inspirado sila sa pagbabasa ng madamdaming dula ni Shakespeare, ang Romeo and Juliet.

11 comments:

  1. Sa tingin ko po’y hindi po ito kaaya-aya dahil na lamang po sa sila’y namamasyal sa isang beach resort sa oras ng klase. Hindi po ito magandang tignan lalo na po sa paningin ng ating magulang dahil sila’y naghihirap pra makapagtapos lang tayo sa pag-aaral kaya nararapat lamang na mag-aral tayong mabuti at huwag munang isipin ang mga bagay nay an dahil naniniwala akong may tamang oras at lugar sa mga bagay na ito.

    -Cali F.

    ReplyDelete
  2. Hindi kaaya ayang tignan kasi Yong mga makakakitang tao ay iisiping may relasyon sila na higit pa sa isang kaibigan. Nakauniporme pa silang namamasyal sa beach. Imbis na ganun ang kanilang binabasa dapat yong librong mayroon silang matutunan.

    -Christine A.

    ReplyDelete
  3. Masyado kayong judgmental. Porket ang magkatapat na kasarian namamasyal sa beach resort, may namumuo na agad sa kanila? Hindi naman sila nagho-holding hands, naglalandian, naglalampungan, nagp-PBB Teens, o naghahalikan.


    Walang mali sa pamamasyal nila at maging inspirado sa mga dula ni William Shakespeare. Ang mali lang nila at ay sa maling oras nila iyon ginawa at naka-uniporme pa.


    Wag naman magpakadgmental. Makikitid kasi ang mga utak ninyo. Kung ano gusto niyong makita, yun ang inyong paniniwalaan.

    ReplyDelete
  4. Totoong walang masama sa pamamasyal at pagiging inspirado sa mga tula ni Shakespeare...walang masama na sumama sa pamamasyal kasama ng kaibigang lalaki o babae. pero huwag naman sa kung saan saan at sa oras pa ng klase. Mahiya tayo sa mga parents natin na naghihirap sa pagbibigay ng allowance natin sa araw-araw...tapos sa pamamasyal lang napupunta.
    At tsaka...hindi ba ang simula ng relasyon ay dating? Kung baga nasa stage pa lang sila na kung tawagin ay examining mutual romance...lesson natin sa values mga 'tsong. Kaya nga kung ikaw ay nakikipag-date...malamang sa hindi..plano mo nang makipag-relasyon...

    ReplyDelete
  5. Ang aking reaksyon sa sumusunod na sitwasyon ay nalulungkot dahil ito ay nakasasama sa dalawang mag-aaral na namamasyal sa isang beach resort sa oras ng klase at inspiradong-inspirado pa sila sa pagbabasa ng madamdaming dula ni Shakespeare, ang Romeo and Juliet. Nakakaapekto rin ito sa kanilang pag-aaral dahil mas gusto pa nilang mamasyal kaysa sa mag-aaral. At naaawa rin ako sa mga magulang nila na nagpapa-aral sa kanila dahil nasasayang lang ang paghihirap nilang magtrabaho para lang makapag-aral sila ng mabuti.


    *Stephanie ..

    ReplyDelete
  6. Ang aking reaksyon sa sumusunod na sitwasyon ay nalulungkot dahil ito ay nakasasama sa dalawang mag-aaral na namamasyal sa isang beach resort sa oras ng klase at inspiradong-inspirado pa sila sa pagbabasa ng madamdaming dula ni Shakespeare, ang Romeo and Juliet. Nakakaapekto rin ito sa kanilang pag-aaral dahil mas gusto pa nilang mamasyal kaysa sa mag-aaral. At naaawa rin ako sa mga magulang nila na nagpapa-aral sa kanila dahil nasasayang lang ang paghihirap nilang magtrabaho para lang makapag-aral sila ng mabuti.


    *hannah J.P

    ReplyDelete
  7. Ang reaksyon ko tungkol sa sitwasyon na ito ay sobrang malungkot dahil sinasayang nila ang pera ng kanilang magulang na kanilang ginagamit sa kanilang pag-aaral. Naawa rin ako sa kanilang mga magulang dahil nagpapakapagod sila sa ibang bansa para matustusan ang kanilang pag-aaral ngunit parang baliwala lang ito sa kanila. Nalulungkot din ako dahil maaari rin na masira ang kanilang pagkatao at reputasyon. Hindi rin maganda na silang dalawa lang ang magkasama sa iisang lugar dahil pwede itong mapunta sa malaking pagkakamali na pwede nilang pagsisihan.

    *marilyn C.

    ReplyDelete
  8. Ang aking reaksyon sa sumusunod na sitwasyon ay nalulungkot dahil ito ay nakasasama sa dalawang mag-aaral na namamasyal sa isang beach resort sa oras ng klase at inspiradong-inspirado pa sila sa pagbabasa ng madamdaming dula ni Shakespeare, ang Romeo and Juliet. Nakakaapekto rin ito sa kanilang pag-aaral dahil mas gusto pa nilang mamasyal kaysa sa mag-aaral. At naaawa rin ako sa mga magulang nila na nagpapa-aral sa kanila dahil nasasayang lang ang paghihirap nilang magtrabaho para lang makapag-aral sila ng mabuti.

    *lewelyn

    ReplyDelete
  9. Ang aking reaksyon sa sumusunod na sitwasyon ay nalulungkot dahil ito ay nakasasama sa dalawang mag-aaral na namamasyal sa isang beach resort sa oras ng klase at inspiradong-inspirado pa sila sa pagbabasa ng madamdaming dula ni Shakespeare, ang Romeo and Juliet. Nakakaapekto rin ito sa kanilang pag-aaral dahil mas gusto pa nilang mamasyal kaysa sa mag-aaral. At naaawa rin ako sa mga magulang nila na nagpapa-aral sa kanila dahil nasasayang lang ang paghihirap nilang magtrabaho para lang makapag-aral sila ng mabuti.

    *Alicia

    ReplyDelete
  10. Sitwasyon:
    Isang pareha,babae at lalake,nakauniporme pang high school ang magkaakbay,magkadikit sa isang sulok ng kampus at hindi inaalintana ang oras. Tila masayang-masay pa silang dalawa kahit halos lahat ng mgakaklase ay nakauwi na.

    Reaksiyon:
    Masasabi kong ng sitwasyong ay nakababahala. Nakababahala ito dahil bukod sa pwedeng may mangyari sa kanila sa daan habang sila’y pauwi,maari ding maglakwatsa muna sila kung saan-saan bago umuwi. Maari din naman na matukso sila sa isa’t-isa dahil bilang isang kabataan, hindi nila maiiwasang maramdaman ito lalo’t alam nilang dalawa na lamang ang nasa loob ng kampus.

    Marilen Sabiano

    ReplyDelete
  11. Careful sa inyong mga sagot...magkapareho ang sagot nina Alicia at Lewelyn..sino sa inyo ang komopya? Hala...pareho kayong walang grade...

    ReplyDelete