SSC/Group 5
Ibigay ang iyong reaksyon sa sumusunod na sitwasyon.
Sitwasyon:
Isang pareha, babae at lalaki, naka-unipormeng pang-hayskul ang magkaakbay, magkadikit sa isang sulok ng kampus at hindi inaalintana ang oras. Tila masayang-masaya pa silang dalawa kahit halos lahat ng mga kaklase ay nakauwi na.
Hindi ito kaaya-ayang tingnan ng mga guro, mag-aaral at pati na rin nga mga ibang tao sa paligid. Para sa mga mag-aaral, lalo na sa hayskul, hindi maaaring gawing tagpuan ang paaralan para makita o makasama ang mga minamahal sapagkat may mga tamang panahon at tamang lugar para sa mga ganoong bagay. Dapat ay matuto silang lumugar para hindi sila mapag-usapan ng ibang tao at para na rin sa kanilang reputasyon bilang mga estudyante. Para sa mga kabataan, marapat ding pagkatapos ng klase ay mainam na sila'y makauwi agad ng kanilang bahay upang walang maganap na aksidente o anuman.
ReplyDelete- Angel A.
Para sa akin, kung ang dalawang taong nagmamahalan, dapat ay magkaroon din sila ng kanilang sariling limitasyon.kyat ang aking opinyon ay hindi ako nasisiyahan sa sitwasyong naibigay. hindi dapat maging tagpuan ang paaralan upang maisakatuparan ang mga bagay na pansariling kasiyahan lamang.
ReplyDeleteDanika M.
Hindi po maganda ang ganitong gawain ng mga kabataan. Dahil kahit kailan hindi magiging parke ang paaralan kung saan nagkikita ang mag nobya,Lalo pa at wala nang ibang tao sa paaralan kundi sila nalang, Kung may nangyaring masama sa kanila ang paaralan ang siyang masisisi,
ReplyDeleteRhain Clariz Santiago
Para sakin, hindi po kaaya ayang tignan ang dalawang estudyante na magkasma sa iisang sulok sa loob ng ating paaralan. Datapwat hindi naman po masma ang pagkakaroon ng ugnayan s hndi ktapat na ksarian, dpat ay magkaroon din sila ng kani kanilang limitasyon lalo pa at dadalawa lang sila sa iisang sulok .Kahit sino man po ang makakakita sa knliang gngawa ay pag iisipan sila ng masma spgkat wla pa sila sa hustong gulang upang gawin ang nasabing sitwasyon ..
ReplyDelete--> Paula Jodi <--
Para po sa akin,hindi po ito magandang tignan lalong-lalo na sa mga katulad nilang mag-aaral at sa kanilang mga guro.Hindi nga pong masama ang ipakita sa iyong mahal na mahal mo siya pero sana ay alam nila na may tamang panahon at tamang oras para dito.Sana malaman din nila ang kanilang mga limitasyon bilang isang magkapareha.Isipin sana nila na may mga inosenteng mga batang maaaring makakita sa kanila.Sana ay may mga maayos silang desisyon para sa kanilang dalawa.
ReplyDelete-Bernadeth G.
Hindi po maganda o kaaya ayang gawain ang mga ito bilang magaaral,hindi po dapat nilang gawin ito sa loob ng paaralang dahil unang una masama ito at nakakahiya sa paningin ng mga guro o estudyante isa pa mali itong gawain sa murang edad pa lamang dapat din silang magkaroon ng privacy kung sila may magkasintahan at dapat alam din nila ang limitasyon sa bawat isa,Hindi po dapat gawin ito sa loob pa mismo ng campus dahil hindi po ito ang nababagay na lugar sa kanila,ito po ay lugar ng pagkatuto at dapat nilang alamin ang oras dahil hindi ito makakabuti sa kanila at isa pa kunwari may gabihin at maaksidente ang paaralang mismo ang malalagot,dapat malaman ng bawat estudyante na may tamang lugar at panahon para dyan.Upang maiwasan na rin ang di kanais nais na mangyayari at kaso,,mas maigi wag nalang nilang ulitin o mas magandang itigil nalang nila
ReplyDelete-CLARETTE S.
Nakababahala ng ganitong pangyayari o sitwasyon dahil hindi ito dapat at hindi ito tama na ang isang pares ng estudyante ay nasa loob ng campus sa oras ng uwian at walang ibang tao kundi sila lamang. Dahil bilang isang kabataan hindi maiiwasang may masamang mangyari sa kanila katulad na lamang ng sa kanilang pag-uwi, ay maaari silang mapahamak sa daa. At hindi rin magandang tignan na parang ginagawa nilang parang parke ang kanilang paaralan, at sana magkaroon sila ng limitasyon.
ReplyDelete-- Glenda O. --