Tuesday, July 8, 2014

Kabutihang Panlahat

Ang buhay ng tao ay panlipunan.
Walang sinumang tao ang maaaring mabuhay para sa kanyang sarili lamang. kinakailangan niyang makibahagi at mamuhay sa lipunan. Isa ito sa mga itinalagang likas na katangian ng mga nilikha ayon sa Likas na batas.

Ano ang Lipunan?
Ang salitang lipunan ay nagmula sa salitang "lipon" na nangangahulugang pangkat. Ang mga tao ay may mga kinabibilangang pangkat na may iisang layunin o tunguhin. Sa isang banda, madalas gamitin ang salitang komunidad upang tukuyin ang lipunan. Ito ay galing sa salitang Latin na communis na ang ibig sabihin ay common o nagkakapareho. Ang isang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali o pagpapahalagang bahagi ng isang partikular na lugar. Sa isang komunidad, mas nabibigyang halaga ang mga natatanging katangian ng mga kasapi o kabahagi. Ang bawat indibidwal ay may kanya-kanyang mga layunin o tunguhin sa buhay.

Ano ang kabutihang panlahat?
Sa simpleng pananalita, masasabing ito ay kabutihan ng bawat isang nasa lipunan. Kailangang maunawaan na ang layunin ng lipunan ay hindi ang kabutihan lamang ng indibidwal o ang koleksyon ng indibidwal na kabutihan ng mga taong bumubuo nito. Kapag ganito ang paniniwalang mangingibabaw, patuloy na mabibigyan ng laya ang mga malalakas na apihin ang mga mahihina. Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang kabutihan ng komunidad na nararapat bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito.

Sanggunian: Learners' Module in EsP Grade 9 ph. 7-12

20 comments:

  1. Nakatulong to sa amin... grade 9 student ako salamat :D

    ReplyDelete
  2. thanks po sa gumawa nito laking tulong po

    ReplyDelete
  3. Maraming na itulung sa Lekskon

    ReplyDelete
  4. ang galing ng sumulat nito...nakatutulog po ito..maraming salamat po...

    ReplyDelete
  5. Salamat po..Nakatulong to sakin bilang 9 student

    ReplyDelete
  6. salamt at thank you talaga

    ReplyDelete
  7. amo po ba ito buod po

    ReplyDelete
  8. Salamat po kasi pinagawa kami ng essay tungkol dto

    ReplyDelete
  9. Super thank you sayo gamit Kasi namin to Sa school ty talaga๐Ÿ˜Š ๐Ÿ’–

    ReplyDelete
  10. Salaamt po talaga ma'am tula po ang gagawin namin ay nagkuha po ako ng ideya or information ๐Ÿ˜„

    ReplyDelete
  11. Thank you sa information it helps me a lot mwuaa

    ReplyDelete
  12. it's been 7 years mahigit na po, pero nakatulong pa rin ito sa akin ng sobra salamat po!

    ReplyDelete