Tuesday, July 8, 2014

Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat

Ang Kabutihang Panlahat ay binubuo ng tatlong mahahalagang elemento (Compendiumof the Social Doctrine of the Church)

1. Ang Paggalang sa indibidwal na tao. Upang maging makatarungan ang lipunan, kailangang nasisiguro ng namumuno dito na ang karapatan ng bawat indibidwal ay kinikilala, iginagalang , pinoprotektahan at pinahahalagahan. Halimbawa nito ay ang paggamit ng tao ng kanyang bokasyon, tungo sa paglinang ng kanyang sarili.

2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat. Ang pag-unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangang maibigay sa mga tao. Karaniwang sinusukat ito halimbawa sa mga pampublikong sistema ng pangangalaga sa kalusugan, epektibong pampublikong pangkaligtasan at seguridad, kapayapaang namamagitan sa bawat bansa sa mundo, makatarungang sistemang legal at pampolitika, malinis na kapaligiran at umuunlad na sistemang pang-ekonomiya. Mahalagang may mamagitan upang masigurong nakakayanan at nararating ang mga ito ng bawat isa sa lipunan. Kapag nangyayari ito, natutugunan ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat.

3. Ang Kapayapaan (Peace)
Kalimitang sinasabi na ang kapayapaan ay ang pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan o kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay tulad ng isip, kalooban, pamilya, lipunang ginagalawan at iba pa Subalit ang kapayapaan ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan at kawalan ng kaguluhan. Mayroong kapayapaan kapag iginagalang ang bawat indibidwal at umiiral ang katarungan. Ang kapayapaan ay indikasyon ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat.


Sanggunian: Learners' Module in EsP Grade 9
                   ph 13-14

22 comments:

  1. Thanks
    -Kevin Teves

    ReplyDelete
  2. Thanks. It really helps me to understand better than opinion of others.

    ReplyDelete
  3. maraming salamat po dahil sa inyo naka kuha po ako ng impormasyon tungkol dito pag palain po sana kayo ng panginoon

    ReplyDelete
  4. salamat po at nakatulong po ang impormasyong ito sa aking pagaaral

    ReplyDelete
  5. Maraming salamat po God Bless ��

    ReplyDelete
  6. thank you po😘😘😘 far info❤❤❤

    ReplyDelete
  7. thank you po dito aylabyuuuu

    ReplyDelete
  8. maraming salamat po sa mga impormasyon . malaking tulong sa pagpapalawig ng aking kaalaman at maipasa ko din ito sa aking mga mag aaral.

    ReplyDelete
  9. halaaaa.. tengyuu po.. napakalaking tulong po ito sakin

    ReplyDelete