Isang tagpo tuwing Lunes sa bawat paaralan...flag ceremony. |
Mag-aral ang isa sa hindi matatawarang pribilihiyo na makakamit ng isang tao. Bihira ang nakakaabot sa kolehiyo sa ngayon, sa hirap ng buhay.
Ano ang rason kung bakit gusto ng isang tao ang mag-aral? Upang makakuha ng magandang trabaho, magkaroon ng magandang bukas,makamit ang mga pangarap… ang ilan sa mga kadahilanan. Kahit isang batang paslit ay alam ang mga rasong ito.
Isang grupo ng mga mananaliksik ang pumasok sa isang paaralan upang tanungin ang mga estudyante kung bakit sila nag-aaral at pumapasok sa eskuwelahang iyon. Ang iba ay may malinaw na sagot bukod sa isa na hindi alam kung bakit. Nag-aaral daw siya upang “mag-aral”, para masabing siya ay nag-aaral. “Wala lang..”
Nakakatakot ang mga ganitong kabataan. Tila hindi alam ang mga daang tinatahak.
“A rolling stone gathers no most.” Angkop ito sa mga batang hindi alam kung saan patungo…kung saan mapadpad…walang direksyon…tila walang pangarap makamit sa buhay. Bahala na bukas!
Madalas nating marinig ang litanya ng ating mga nanay. “Tanging edukasyon lamang ang maipapamana naming mga magulang sa aming mga anak, kaya mag-aral kang mabuti.” Kadalasan kung sino pa ang may perang pang-aral, sila ang di nakakapag-aral. At ang mga walang pang-aral, dahil sa sikap at determinasyon ay nakakatapos.
Marami pa ring mga kabataan ngayon ang dapat na matuto sa kahalagahan ng mga prebilihiyo na nasa kanilang harapan. Minsan lang kumatok sa ating pintuan ang pagkakataong ibinibigay ng ating mga magulang upang mag-aral.
Sana lang… ang mga kabataang ito na hindi makita ang halaga ng edukasyon sa kanilang buhay sa kasalukuyan ay matutong mag-isip…magising, upang huwag mapalampas ang mga prebilihiyo at pagkakataong ganito.
No comments:
Post a Comment