“Nakalimutan mo na yata ako, Lord!”
Ito ang
himutok ng isang matandang may edad na mahigit sa isang daang taon.Hindi na
siya halos makarinig at makakita, ni makagulapay sa katandaan. Naghihimutok
siya dahil lahat na umano ng kanyang mga kaibigan, mga kaedad at kapanahon ay
nangamatay na at siya na lamang ang natitira. Pagod na pagod na daw siya sa
buhay. Matanda na siya at gusto na rin niyang magpahinga. Pero tila mahaba pa
ang ilalagi niya sa mundo.
Kung
ikaw ang tatanungin, nakalimutan na nga ba siya ni Lord?
“Nakakapagod ang aking buhay!
Puro trabaho…trabaho! Kung may kapangyarihan lang sana akong balikan ang
nakaraan sa aking buhay…baka mas maganda ang buhay ko noon kaysa ngayon!”
Ito
naman ang himutok ng isang ginang na nahaharap sa maraming gawain. Sa sobrang
kapaguran ng gabing iyon ay nakatulog siya ng mahimbing. At sa kanyang
panaginip ay nakita niya ang kanyang buhay sa nakaraang panahon…pagod na pagod
siya…sa pagtakbo sa masukal na daan. May kadiliman….kagubatan….may humahabol sa
kanya….mga sundalo….mababangis….nanlilisik ang mga mata at mukhang hindi siya
tinitigilan…hanggang sa mapatili siya…ikalawang digmaan…! Ito ang tumambad sa
kanyang harapan. Nagising siyang humihingal pa rin.
At
napag-isip-isip niya…hindi na baleng pagod na pagod siya sa hirap ng kanyang
mga gawain sa ngayon, basta’t masaya at payapang kapiling ang mga mahal sa
buhay.
Salamat sa pagbisita,
Mam Eddie
:
Salamat sa pagbisita,
Mam Eddie
No comments:
Post a Comment