Tuesday, August 7, 2012

Buena mano po!

           Kulang ang mga salita upang maipahayag ang mga damdamin...sa pamamagitan nito, naniniwala akong kahit paano, maipapahayag ang mga nakatagong kaisipan at hangarin.
            Ito ay naglalaman ng mga repleksyon tungkol sa iba't-ibang mukha ng buhay, mga impresyon at koleksyon ng mga larawang minsa'y naging bahagi ng aking buhay paglalakbay, dito sa kakapiraso at gatuldok na mundong aking ginagalawan.
            Paminsan minsan ay aking gagamitin ang mga ilang pahina upang maipaabot sa aking mga mangilan-ngilang estudyante ang  mga leksyong kailangang mabasa, yaman din lang na madalas nakatutok ang kanilang mga mata sa computer, mas madalas kaysa mga libro o anumang  babasahin...
            Isa akong mapagmahal sa musika at panitikan....dating manunulat sa isang pahayagang lokal (Ow...nagsusulat na naman ako!)..dating DJ...anawnser... dreamer lagi...guro....at lover of books and beauty.

No comments:

Post a Comment