Be kind.
Share your blessings.
Set an example.
You will reap the fruits of your actions.
If you are good to others…others will show goodness in return.
Others will be glad looking at you…smile.
Let us complain less, give more.
Kahit na hindi mo kilala ang mga tao…kapag mabait ka…mabait din ang mga tao sa iyo.
Sabi ni father, choose your model…in everything you do.
Pulutin ang mabuti at itapon ang masama.
Puro mga kabutihan at mga kabutihang-asal…kung paano kumilos ng tama…kung paano magmahal sa iba.
Sa loob ng mga nakaraang araw, iyan humigit kumulang ang mga pananalitang aking narinig mula sa iba’t-ibang tao na aking nakasalamuha. Nais kong ibahagi upang kahit paano’y makapagbigay ng inspirasyon lalo na sa mga kabataan.
Madaling tukuyin kung ano ang tama at mali. Ganoon din kadaling ituro kung ano ang tama sa mali. Ang mahirap ay kung paano isagawa at isabuhay ang tama, dahil sa totoo lang mas madaling gumawa ng mali.
May mga dahilan kung bakit ang isang tao, kahit may kaalaman sa tama ay pinipiling gumawa ng mali. Kahirapan… ang magnakaw upang mabuhay. Napipilitang gumawa ng labag sa batas upang buhayin ang mga mahal sa buhay. Kapaligiran…dahil mas maraming oportunidad tungo sa kasamaan kaysa kabutihan. Masama ang kapaligiran sa deretsong pananalita.
May punto ang sinumang naniniwala dito. Ngunit bakit ba isinisisi ng tao sa kapaligiran at kahirapan ang paggawa ng kamalian?
Tao lamang siya…oo na! Siya ay taong may isip at kaluluwa. Mga bagay na mayroon siya na ikinaiba niya sa lahat ng nilalang, kaya’t hindi makatwiran ang anumang gamitin niyang katwiran sa paggawa ng mali.
Siguro, kung lahat tayo ay pipiliing gumawa ng tama sa kabila ng mga tuksong nanghihikayat sa mali, wala na sigurong problema sa kaayusan at kapayapaan. Ang sarap mamuhay sa mundo!
Taken on a retreat at Lay Formation Center last February 2012
Si Kumare, si Mare at si Baybi.
“Pag-ibig ang sanhi ng lahat ng pagdurusa ng mga babae sa mundo.”
“Bakit mo naman nasabi ‘yan, mare? Di ba, ang sabi ng awit…nang dahil sa pag-ibig, nawawala ang galit at nagiging masaya ang tao.”
“Naku kumare…’yong kapitbahay ko, iyak siya ng iyak dahil sa pambababae ng asawa niya pero dahil nga sa pag-ibig, nagtitiis sa sama ng loob at idinadaan na lang sa pananahimik.”
“Ninang, baka naman dahil sa mga anak niya kaya siya nagtitiis, siyempre…ayaw din niyang masira ang pamilya nila…promise..”
"Ay naku, kung ako ‘yon..lintik na pag-ibig…iiwanan ko siya! Eh, kumare…puwede bang pautangin mo ako? ‘Yan kasing kumpare mo…di man lang ako mabigyan ng pamalengke ko ngayon. Kow…kung di ko lang mahal ang isang ‘yon…mahal ko lang kasi ‘yon eh…iniintindi ko na lang…naku!!!”
“Ows?! Charing!!”
No comments:
Post a Comment