Ang Pamilya sa Pamayanan
Natural sa Pilipino ang pagiging makapamilya. Natural na tulungan ang mga kamag-anak, lalo na ang mga kapus-palad. Sana, ang pagmamalasakit sa kamag-anak ay maitawid hanggang sa kapitbahay at sa pamayanan.
Ang lakas ng bawat pamayanan ay makikita sa pagkakasundo ng bawat pamilya. Walang pamayanan ang magiging maunlad kung walang pagkakaisa ang bawat pamilya.
May mga pamilyang
pinipiling magdaos ng kaarawan ang isa sa miyembro ng pamilya sa bahay ampunan
o magbigay ng donasyon sa isang institusyon. Sa halip na bumili ng mamahaling
damit at magkaroon ng malaking selebrasyon, pinipili nilang ipagluto, pakainin
at bigyan ng regalo ang mga batang ulila sa bahay ampunan. Nagiging masaya ang
mga bata sa ampunan kapag nakakasama nila ay ang isang buong pamilya. Bagama’t
malungkot para sa kanila dahil wala silang mga magulang, nagkakaroon naman sila
ng ideya kung paano magkaroon ng isang buong pamilya. Magiging inspirasyon ito
sa kanila.
Maraming
pagkakataong nasubok ang pagtutulungan ng mga Pilipino. Sa bawat kalamidad at
sakunang nagaganap sa ating bansa, mga kapwa Piipino ang nagtutulungan upang
mailigtas; mabigyan ng lunas; mabigyan ng pagkain at damit; at mabigyan ng
bagong tahanan.
Bakit kailangang
tumulong ng pamilya sa pamayanan? Ayon sa isang babasahin, may tatlong dahilan
kunga bakit dapat tumulong ang pamilya sa pamayanan.
1. Mabuti ang pakiramdam ng tumutulong. Ang pakiramdam
na nakatulong ka sa iba ay may dulot na kaligayahan.
2. Napatatatag ang pamayanan. Kung ang mga
samahan at ahesya ay may mga boluntaryong naglilingkod sa pamayanan,
nagkakaroon ng pagkakataong umunlad ang pamayanan.
3. Napatatatag ang pamilya. Nagiging higit na
malapit ang pamilya sa tuwing sila ay tumutulong sa pamayanan. Ang libreng oras
ng pamilya ay nagugugol sa pagsama sa mga boluntaryong gawain para sa
pamayanan.
Maging inspirasyon sa
iba, lalo na sa kapareho mong kabataan. Sa halip na gugulin ang libreng oras,
yayain ang iyong kapamilya na tumulong sa pamayanan. Kahit na munting donasyon
sa inyong barangay o simbahan, makakatulong ito ng malaki sa mga
nangangailangan.
Maikling Pagsusulit
1. Patunayan na ang pamilya ay nakakatulong sa pagtataguyod ng mabubuting proyekto ng pamayanan
2. Patunayan ang kahalagahan ng pagiging bukas ng pamilya sa pagtulong sa kapwa.
3. Tukuyin ang mga pagpapahalagang natutuhan
sa pagtulong ng pamilya sa pamayanan?
4. Tukuyin ang mga paraan upang makatulong ang
pamilya sa pamayanan?
5. Ibahagi ang sariling pananaw tungkol sa mga
magulang na ginagamit ng ilang pamilya ang kanilang impluwensya upang magkunwaring tumutulong sa kapwa kapalit ng
pansariling kapakanan.
6. Ipahayag ang paghanga sa mga pamilyang
handang tumulong sa pamayanan.
7. Tukuyin
ang reyalisasyon o napagtantong katotohanan tungkol sa kahalagahan ng pagtulong
ng pamilya sa pamayanan
No comments:
Post a Comment