First Impression is lasting!
We were around sixty inside including the lecturer.
I like that new technology. Actually, it’s not new…I’ve already seen
that used by lecturers and on TV. I want to buy like that…sooner or later…wala
akong maisulat…something new…sige lang…okay lang… okay…let’s talk about impressions!
First impression is lasting. Naniniwala ka ba dito? Yes but first
impression can be likewise changed. Naniniwala din ako diyan! Yan ay kung may
pagkakataon ka pang baguhin ang naunang impresyon tungkol sa iyo…
”Every time you see people, you create an impression. That is why you
have to pamper yourself for the rest of the one hour break, so that when you
come back at one, you are again fresh looking and confident to talk ….”
“Okay…”
At one o’clock, we came back for the
afternoon session and uuhh! I got the impression that she is “dogyot” in the
true sense of the word…buti na lang at may tissue paper na iniabot ang isang
participant at kung hindi…tumulo na lahat ng luha niya sa ilong…huh! At mukhang
wala siyang pakialam…wala rin siyang dalang napkin…handkerchief kaya or any piece of towel.
I love looking at people, I observe the way they talk, their manners,
mannerisms, every word they say. And most of the time, I put them in writing.
Black and white!
Sa pakiwari ko, tatlo ang klase ng mga taong “nagsasalita sa harap.”
Isang nagsasalita upang magpa-impress lamang, magpasikat sabi ng iba.Kadalasan
ang mga ganito ay walang katuturan ang mga pinagsasabi. Ang isa naman ay nagsasalita
upang gawin lamang ang kanyang trabaho. Wala siyang pakialam sa mga nakikinig o
kung may nakikinig nga ba sa kanya? Ang huli naman ay nagsasalita upang gawin
ang trabaho niya at upang magpa-impress na rin sa mga tagapakinig niya.
Alin man sa tatlong nabanggit ay parehong gumagawa ng isang impresyon na
mahirap nang maalis o makalimutan ng taong nakinig o nakakita lalo na sa unang
pagkakataon.
Mahirap magsalita sa harap ng tao…ng maraming tao. Lalo na kapag ang
kaharap mo ay matatalino daw…puro mga kritiko at mahirap i-please ‘ika nga sa
ingles. Sa harap ng mikropono ay lalo na…sapagkat kung hindi ka preparado,
bukong-buko ang boses mo.
Di hamak din naman na mahirap ang makinig lalo na kung mayroon nang
impresyon na nabuo ang tagapagsalita sa isip ng nakinig. Makukuha pa kaya niya
ang atensyon nito?
I learned another lesson in here…kung tayo ang nagsasalita, kailangan
siguro ay preparado tayo upang magawa natin ng maayos ang ating trabaho, ang
makapagsalita ng mabuti at maipaunawa sa ating mga tagapakinig ang nais nating
ipabatid sa kanila. Hindi na kailangang magpa-impress dahil kusa na silang makakadama
ng paghanga. Kapag sinabi nating preparado, hindi lang sa mga sasabihin, kasama
na po dito ang hitsura at gawi sa harap ng madla, ‘ika nga.
And if you are the listener, respect. Kung wala ang respeto, hindi ka
rin makakapakinig ng mabuti. Alisin sa isip ang unang impresyon na nabuo.
Focus…mag-pokus sa mga bagay na dapat pakinggan at hindi sa taong
pinakikinggan. In the first place, bakit ka ba narito o naroon…di ba para
makinig? She’s just doing her job, then mind your own!
Kung sakaling isang araw, aksidenteng masalubong mo siya down town…at maalala mo ang mga pangyayari sa una ninyong encounter, just smile and say “hi”…kahit sa isip mo… “dogyot!” Hehe!
Mam Eddie
No comments:
Post a Comment