Madalas kaysa hindi, ang mga takot at mga
pangambang nararanasan natin sa buhay ay daig ang sakit na unti-unting
nagpaparalisa sa ating katawan. Sa paglipas ng araw, kung magpapatuloy ito’y
higit ang bilis ng pagdating ng kabiguan kundi man ay ang kinatatakutang
kamatayan!
Si
Jane ay isa sa mga babaeng marahil ay hindi na iba sa karaniwan. Minsan sa loob
ng dalawang buwan kung umuwi ang kanyang asawa mula sa malayong destino sa
trabaho. Ang pag-iisa niya ay nakagawian sa una, ngunit pagkaraan ay nahaluan
ng pagkatakot at pag-aalala sa sitwasyon. Ano ang posibleng mangyari sa
kanilang pagsasama bilang mag-asawa? Hanggang kailan sila makapagtitiis na
laging malayo sa isa’t-isa? Sa oras ng pag-iisa’y nananatili pa kayang tapat
ang kanyang asawa? Ang alalahaning ito’y patuloy na gumugulo sa kanyang isipan.
Kung kailan at saan magwawakas ay hindi niya alam. Ang tanging nalalaman niya,
natatakot siya, nalulungkot sa pag-iisa at mukhang bigo sa inaasahan sa kanyang
pag-aasawa.
Iba-iba
ang sanhi ng ating takot at mga pangamba, kasingdami rin ng magiging negatibong
resulta kung hindi natin alam lutasin ang mga ito. Dalawa lamang ang uri ng
pagkatakot, ang normal at abnormal. Normal kung ito’y nakakatulong upang
protektahan tayo bilang babala sa isang napipintong kapahamakan. At nagiging
abnormal ito kung ang utak ay hindi makontrol sa pag-iisip ng mga bagay na
lampas sa karaniwan.
Natural
lamang ang tumili kapag nakikita mong malapit ng bumangga ang iyong sinasakyan
o ang umiyak sa pangambang hindi malampasan ang isang malubhang karamdaman.
Ngunit ang isang taong nalulungkot at natatakot dahil sa labis na pag-iisip ng
mga bagay na hindi pa nangyayari at imposibleng mangyari ay hindi na karaniwan.
Aalipinin siya ng mga pangamba hanggang sa tuluyang sumuko ang kanyang katawan
at maaaring maging mitsa ng lalong matinding kapahamakan…maaaring kamatayan.
Ang
buhay sa mundo ay panandalian lamang. Bakit uubusin natin ito sa kalungkutan at
pag-aalala? Bakit iisipin natin lagi ang mga kalungkutan? Bakit pipigilin mo
ang sarili mo sa pagsasaya halimbawang ang panganay mo ay nagtapos at nagkamit
ng medalya? Walang karapatan ang sinuman
na sabihing “Huwag kang masyadong tumawa, masama ang labis na katuwaan…ang kasunod
nito’y kalungkutan.” Hindi ba’t ito’y kaisipang sa demonyo lamang nagmumula?
Kung
tayo’y dapat magsaya ay huwag pigilin ang sarili para dito. Ngumiti ka, tumawa
at maglibang. Kalimutan ang mga problema at isipin ang mga magagandang bagay.
Huwag ding kalilimutan ang paghingi ng tulong sa Lumikha. Ito ang sekreto ng
matiwasay, maligaya at masiglang pamumuhay.
Mam Eddie
No comments:
Post a Comment