Change
for the Better
Sa
lahat ng mga nilalang ng Diyos sa mundo, tao lamang ang may kakayahang
baguhin ang kanyang panlabas na anyo.
Ayon
sa isang manunulat, ang pinakamalaking pagbabago sa henerasyon ng tao ay ang
pagkakatuklas na mababago ng tao ang mga panlabas na aspeto ng kanyang buhay sa
pamamagitan ng pagbabago ng kanyang mga pananaw at kaisipan.
May
mga may-edad na nagiging bata sa tingin sa pamamagitan ng pag-iisip na maaari
pa silang kumilos at maging bata sa tunay nilang edad.
Ang
ilang may mga kapansanan tulad ng pilay, sakang at iba pa ay gumagaling kapag
natanim sa kanilang isipan ang paniniwalang sila ay may pag-asa pang gumaling. Ang
isang drug addict ay magbabago kapag nagkaroon siya ng determinasyong magbago
sa kanyang gawi at bisyo.
Madalas
nating marinig ang kasabihang ito sa Ingles, “Tell me who your friends are and I’ll
tell you who you are.” Ito’y may malaking kaugnayan sa pagbabago ng tao. Kapag
mahilig sa sine ang mga kaibigan mo, tiyak na magiging ganoon ka rin. Kung ano
ang mga sinasabi, pinaniniwalaan at ginagawa nila ay tiyak na doon ka rin. Ang
dating ikaw ay magiging sila. Ito’y sapagkat malaki ang impluwensiya ng
kapaligiran sa pagbabago.
Kung
ilang istorya na ang ating narinig tungkol sa isang probinsiyanang naluwas ng
siyudad na nagbago hindi lamang sa pag-uugali kundi maging sa hitsura at anyo. Ang
dating ugali ay naging moderno at maski ang pananalita’y kariringgan ng
pagbabago sa punto. Ang isang Pilipinong nanirahan sa ibang bansa, sa maikling
panahon’y nakakalimutan ang sariling wika. Nakakatawang nakakalungkot!
Maraming
dahilan kung bakit ang tao’y nagbabago ganoon din ng mga paraan kung paano.
Hindi masama ito. Ang panahon ay nagbabago, mas lalong ang tao’y dapat magbago.
Kung
ang pagbabago ay para sa kabutihan ng tao, ito’y lubhang kapuri-puri. Ngunit
kung ito’y bilang pakikiayon sa iba at sa halip na makabuti ay lalong makasama…mas
mabuti pang manatili sa kung ano ka.
LFC-Lay
Formation Center. Ito’y matatagpuan sa
lungsod ng Dagupan, Pangasinan. Isang retreat at recollection center. Isang
lugar upang makapagmuni-muni…at makakatulong upang makamit ang hinahanap na
pagbabago sa aspetong ispiritwal.
No comments:
Post a Comment