Buhay
at Pag-ibig sa Kapirasong Banig
Madalas mag-away ang mag-asawang Mang Delio
at Aling Sula sanhi ng reklamo ng huli kung paano pagkakasyahin ang perang
kinikita ng asawa sa pagdya-dyanitor. Sa pang-araw-araw na gastusin sa bahay,
idagdag pa ang baon sa araw-araw ng dalawang nag-aaral sa high school at isa sa
elementaryang mga anak nila ay kulang na kulang ang sweldo ni Mang Delio. Hindi
rin makasapat ang dagdag na kita ni Aling Sula mula sa pananahi. Magkaminsan ,
ang pag-aaway ng mag-asawa ay humahantong sa walang katapusang sisihan at
paglalayas ng babae, na tumatagal lamang ng isa o dalawang araw at muling
babalik kapag naalala ang tatlong anak na wala pang kamuwang –muwang sa buhay.
Sa puntong ganito’y maririnig si Aling Sula na animo’y naglilitanya sa kanyang walang kapantay na pagmamahal sa
kanyang pamilya, na kung di dahil umano sa pagmamahal na yaon ay nungkang balikan
niya ang piling ng kanyang “walang silbing esposo.”
Maraming
Delio at Sula sa kasalukuyang panahon, mga mag-asawang nahaharap sa iba’t-ibang
krisis ng buhay. Kung tutuusin, ang kaso nila’y nararanasan ng lahat hindi
lamang ng mga pamilyang mahirap kundi pati ng mga mayayaman. Kasabihan nga,
konti at maraming pera, meron at merong problema.
Ano
nga ba ang tunay na isyu? Bakit humahantong sa pag-aaway ng mag-asawa? Ang iba
nga ay humahantong sa hindi maintindihang problemang pampinasyal. Sa pera
madalas mag-away ang tao. Hindi nga ba’t madalas magtalo ang tindero at mamimili dahil sa maling sukli o
sobrang taas ng presyo? Nagtatalo din ang tsuper at pasahero dahil sa sobrang
taas ng metro? Ang mga estudyante ay nagra-rally dahil sa tuition fee! Atbp.
Kaya’t hindi nakapagtataka na may mga mag-asawa na nagtatalo dahil sa pera!
Narito
ang isang lumang kasabihan…”kapag maliit ang kumot, matuto kang mamaluktot! At
sa kapirasong banig, ikaw’y magtitiis.” Hindi kaya ilan sa atin ay nagkakagulo
dahil sa kawalan ng tiyaga sa buhay…lalo na sa hirap ng buhay? Marami sa atin
ang hindi marunong tumanggap sa katotohanan na sa mundong ito, hindi lahat ay
pantay-pantay, may mahirap, may mayaman. May mapera at walang-wala. Ang ilan ay
hindi rin makontento sa kayamanag nasa harap nila. Ang resulta nito’y lungkot,
paggawa ng kasamaan at pagkasira ng tahanan.
Sa
makatwid, kailangan nating tanggapin ang anumang bagay na mayroon tayo.
Pagkasyahin ang salaping mapasakamay natin, magtiis at huwag maghangad ng labis
sa kaya nating kamtin.
Ang mga pagpapahalagang ito’y
makakatulong ng malaki upang ang ating pamilya’y manatiling buo sa gitna ng mga
pagsubok sa buhay….
Mam Eddie
No comments:
Post a Comment